It is true that nothing in this world can be compared to the kind of love a mother can give to her children. In my case, I witnessed how much my nanay loves us. She loves us so much, but I believe, mas mahal nya yung mga anak nyang hindi masyadong financially blessed because she sees them as "nakakaawa".
Nakatira kami sa squatter na lugar for more than 20 years. Ang mga tao dun dalawa lang ang future: Drug Addict and Sex Workers. Yan yung tingin ng mga taga-labas sa mga taga-looban. But I have my own vision, dalawa din: you remain POOR or you gain RESPECT.
My father is a construction worker. Minsan meron syang work, minsan wala hanggang sa wala na nga syang work. Ang nanay ko namasukan na katulong, stay-in na kasambahay. Apat kaming magkakapatid. Yung panganay at pangalawa lalaki, then I have a sister, I'm the youngest. Even though, ginagalang kami sa "looban" kasi matino naman ang mga magulang namin, lahat kami napag-aral nila. Pero ako lang ang nakapag-college. Yung panganay namin, wala pang 20 years old nag-asawa na. Sunud-sunod ang anak nila, 5 children. Akala ko graduate na ang magulang ko sa pagbabanat ng buto para saming magkakapatid dahil malalaki na kami at may mga work na sila (habang nag-aaral ako ng college). Pero maling akala pala yun. Lalo kaming nahirapan kasi dumami pa kami sa family. Ako bilang bunso at scholar, napakasungit ko sa family ng kuya ko kasi nakapisan sila samin. Naiistorbo nila yung pagrereview ko. I was really immature that time. Naiinis ako pag wala akong extrang baon as in pamasahe lang ang dala ko pag pumapasok sa TUP-Manila. Madalas pa kaming walang kuryente (kasi naputulan) tapos ni minsan hindi nakaitikim ng plantsa yung school uniform ko. Minsan may bakas pa ng uling galing sa usok ng gasera yung uniform ko at yung baunan ko ng kanin at ulam. Dumating ang time na sobrang hirap na ng kalagayan namin, iniwan kami ng panganay kong kuya na nagwowork sa mall. Dun na sila tumira sa Maynila sa side ng asawa nya. Pero ganun pa din, bumalik uli sila samin dahil taghirap din dun.
Nag-asawa na din yung pangalawa kong kuya. Siya yung black sheep. Sya yung adik sa pamilya namin. Hindi ko alam anong pagkakamali ng parents ko sa pagpapalaki samin that time bakit kami nagkaroon ng adik sa pamilya. Doon sya nanirahan sa side ng napangasawa nya. Nung nagpakasal sila, parehas silang nagresign. Yung kuya ko kasi naghahanap ng mapapangasawa na maghahanapbuhay para sa kanya. Yung napangasawa naman nya, more than 7 years na nagwowork kaya naghanap naman sya ng asawa na magwowork naman para sa family nila (like housewife). Nagkaroon din sila ng 3 anak. Ngayon, namamasukan as kasambahay yung sis-in-law ko sa ate nya kasi may kaya yung ate nya (nagpapahulugan ng mga gamit, bumbay ang napangasawa nya).
Wala pang 18 years old, nag-asawa na din ang ate ko. Pumasok sya for a few months sa EPZA Cavite at nakilala ang napangasawa nya. Ok sana sa una kahit mahirap lang din kalagayan nila. Kaso dumami ang anak nila at nagkatanggalan naman sa work ng asawa ng ate ko. Yung ate ko, di na nakapag work dahil sa dami ng anak nila. Sa ngayon, nagkahiwalay na sila. Yung lalaki kasi, tinatakasan ang obligasyon sa mga anak nya. Lahat ng anak nila (4 girls) nasa ate ko. Kasalukuyan silang nakatira sa father-in-law nya.
Way back 2007, nakapasok ako sa isang Thermal Powerplant Company. That time dun pa din kami nakatira sa squatter. Walang proper comfort room. Nakatayo sa dagat yung bahay namin. Di ka makapag-cr pag may tao sa silong (say nag-aayos ng pundasyon ng bahay nila or may namumulot ng mabebentang bagay mula sa mga tinapon ng mga tao din nakatira doon). Year 2009, nagka-schedule ako na magtraining sa Japan. Naglakas-loob akong kumuha ng bahay sa PAG-IBIG. Developer namin yung HOMEMARK. Sikreto namin ng nanay ko na inasikaso na kukuha ako ng bahay para makalipat kami ng nanay at tatay ko. Ayoko na sa bahay namin sa Bacoor. Ayoko na kasing pati magulang ko namumroblema sa financial ng panganay kong kuya at mga anak nya. Hindi din ako makapag-ipon gawa nila kaya naisip kong lumayo na sa kanila para matuto sila sa mga sarili nila.
At last nakalipat na kami. Nasa Japan ako that time. Unfortunately, nagloko yung asawa ng kuya ko. Nanlalaki siya at (sorry for this word) kumabit sya sa Ninong sa kasal ng pangalawa kong kuya. Seaman kasi yun. Sa labis na kahihiyan, ayaw na umuwi dun ng kuya ko sa Bacoor kaya nakiusap na makikitira pansamantala sa bahay namin sa Greengate. Pumayag ako pero bumalik na naman yung dati naming problema.
December 2011, nagpakasal na kami ng napakabuti kong asawa. Kumuha kami ng bahay sa Lancaster gamit naman ang Pag-ibig ng asawa ko. Nagkaroon kami ng isang anak the next year and now (2016) preggy ako ulit for 2nd baby.
April 2013 namatay ang tatay ko. Nahulog sya sa puno ng malunggay (habang kumukuha sya ng isasahog sa tinolang manok). Madami syang bone injury at nabagok ang ulo plus naubusan na ng dugo.
Sobrang gulo ng isip ko that time, masakit kasi hindi ko na nakapili yung tatay ko, nandun sya sa Greengate, nag-aalaga ng mga apo sa panganay namin. Nanay ko ang kasama ko sa bahay namin. Kakaresign ko lang ng work that time, umabroad kasi ang asawa ko (officemates kami before). From hospitalization to funeral pati small details (pamasahe ng lahat, damit na puti na susuotin) kami ang gumastos ng asawa ko, thank God sa malalapit sa buhay namin na nag-abuloy direct samin ng asawa ko, kahit papaano nabawasan yung expenses. But the abuloy na literal from lamay, hindi namin nahawakan yun, labas pasok yung kamay ng pangalawa kong kuya sa lalagyan ng abuloy ng tatay ko.
They advised me to process my tatay's burial benefit sa sss, habang nakaburol. Sinunod ko yung payo kasama ko ang nanay ko. I was with her side all the time pero di ko namalayan na masama ang loob ng nanay ko sakin, samin ng asawa ko. Bakit?
Tuwing uuwi kami ng asawa ko sa Lancaster, kami pala ang topic ng mga kuya ko (habang nag-iinuman, yung alak at pulutan galing sa lalagyan ng abuloy), nakikinig ang nanay ko sa usapan nila. Ang mga himutok nila:
1. Nagulat sila na may malaki kaming pera pambayad sa hospital (more than 9000) pwede namang ilabas daw yun nung buhay pa yung tatay ko, useless na kasi patay na yung ginastusan namin
2. Nagulat sila na cash kong binayaran yung kabaong ng tatay ko (20,000) pwede namang ilabas daw yun nung buhay pa yung tatay ko, useless na kasi patay na yung ginastusan namin
3. Nagulat sila nung cash ko ding binayaran agad agad yung memorial (from 20,000 to 12,000). Hindi nila alam kung paano kami nakiusap ng Kapitan namin para madiskwentuhan yun ng ganung kababa. Ang discount talaga nun hanggang 13,000 pero that time 12,000 yung laman ng wallet ko. Kaya nakiusap ako na ito lang ang natitira sa wallet ko, pag pumayag po kayo magbabayad na po ako ngayon din. Nagulat sila kasi pwede namang ilabas daw yun nung buhay pa yung tatay ko, useless na kasi patay na yung ginastusan namin.
4. Bakit daw lugaw ang pakain namin sa lamay, tinitipid daw namin. Lugaw kasi tag-ulan nun. Di ko din alam ano ang dapat na ihanda sa mga tao, paborito ko kasi yung lugaw.
5. Tuwing uuwi kami from byahe from SSS, nagbubulungan sila na KUMUBRA NA DAW AKO.
6. Bakit hindi ko daw hinatid sa sakayan yung tito ko na nakipaglamay. Hindi man lang nila naisip na puyat ako, umiyak ako, ako pa naggrocery (kasi ayoko ng may nangungupit), may anak akong dumedede.
7. Kung sa Lancaster daw sana nakatira si tatay, hindi sya mamatay ng ganun. So in short, yung bahay sa Greengate na hinuhulugan namin, parang binigay ko na lang pala sana sa panganay kong kuya.
Naiinitindihan ko naman ang nanay ko kung bakit ang daling nalason ng isip nya. Sensitive sya eh. Malungkot, byuda na eh. Pero kinimkim ko lahat ng bagay na yun nung nalaman ko from my ate yung mga pinag-uusapan nila.
Pero nakakalungkot, wala man lang naka-isip ng sakripisyong ginawa ko din para sa kanila. Lalo na ng asawa ko, na yung inipon namin napunta sa ganung bagay.
Dumating ang araw na nailabas ko din ang lahat ng kinimkim ko na ni minsan hindi ko nabanggit sa asawa ko. Magagalit kasi siya, alam ko. Sa inis ko, nakapagdesisyon na ako. Pinaalis ko sila sa greengate para paupahan ko na lang yung bahay. That time kasi, yung kuya ko, after 2-3 days ng sweldo day nya, nagbbike papunta sa Lancaster, nangungutang ng pambayad ng kuryente, pamasahe, kesyo naubos pambayad sa tindahan. Napuno na ako. Pabahay mo na, pautang mo pa ng budget. Sobrang nakakaloko talaga. Hindi kami makaipon kagagawan nila.
Yung pangalawa kong kuya araw-araw nagbibike din papuntang Lancaster, nanghihingi ng bente, sikwenta hanggang napuno na din ako. Tinapat ko sya na tigil tigilan ang panghuhuthot nya.
Yung ate ko, sa awa ng Diyos, nagtatrabaho sa spa. Sya ang nakakaawa kasi iniwan ng ama ng mga ank nya.
No comments:
Post a Comment